“Bitawan mo ako, Darken,” walang emosyong utos ko, kahit pa unti-unti na namang nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha. “No! Hindi kita hahayaang mawala, Angel!” mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa mga binti ko, tila isang batang takot na takot na iwan ng ina. Tumingala siya sa akin, ang mga mata niyang namumula.“Aayusin natin 'to. I’ll give you everything. My wealth, my life, my entire empire... everything is yours! Just please, give me a chance to fix the broken pieces!” Isang mapait na tawa ang kumawala sa mga labi ko. Tawa na may kasamang matinding sakit. “Fix the broken pieces?” ulit ko, tumutulo ang mga luha habang nakatingin sa kaniya. “Gamit ang pera mo? Gamit ang Saviano Empire na iyan? Pwes, makinig kang mabuti, Darken... I don't want your fucking empire! Hinding-hindi ko tatanggapin ang kumpanyang 'yan!” Umiling ako nang mariin, nandidiri sa ideya pa lang. “Ni pangalan ng kumpanyang iyan, ayaw ko nang marinig! Dahil sa tuwing maririnig ko ang salitang Saviano
Zuletzt aktualisiert : 2026-04-23 Mehr lesen