LOGIN.
Ang lamig ng hangin ay humahaplos sa hubad kong balikat. Napapikit ako.This is it.Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na opisyal na akong magiging Mrs. Saviano.Nakatayo ako sa likod ng dambuhalang pinto ng isang exclusive glass pavilion.Ayon sa eksaktong utos ni Darken, ang buong venue ay napapalibutan ng sampung libong puting tulips na direktang inangkat mula sa Holland.Amoy na amoy ko ang bango ng mga sariwang bulaklak na humahalo sa malamig na simoy ng hangin.Wala kaming inimbitahang media. Walang mga mapanghusgang mata ng lipunan. Kaming-kami lang. Ang mga taong tunay na naging bahagi ng buhay namin.Sa kabilang dulo ng pinto, alam kong nakatayo na sa altar ang lalaking nag-ari ng buong pagkatao ko. Si Darken.God. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang bouquet ng mga puting rosas.Suot ko ang isang masterpiece, isang backless, form-fitting white lace gown na nagpapalitaw sa bawat kurba ng katawan ko.Nagsimulang tumu
“I missed seeing you around. Ang balita ko, you stepped down from Saviano last year? Sayang naman... I was ready to be your model na sana...”Napataas ang isang kilay ko. Model? Na para bang pinirsue siya ni Darken na maging model nito.Kung ang dating Angel Mendoza ang nasa sitwasyong ito, malamang ay nanlamig na ang buong katawan ko.Malamang ay nanginig na ako sa takot at selos, iniisip kung sino ang babaeng ito at kung may nangyari na ba sa kanila.Baka umiyak na ako at nagmakaawa sa asawa ko na umalis na kami.Pero ngayon?Sumandal ako sa upuan ko. Kinuha ko ulit ang wine glass ko at kalmadong humigop ng alak. Pinanood ko lang sila. Hindi nagwala ang puso ko. Walang kaba. Walang selos.Kasi alam ko. Buong-buo ang tiwala ko sa lalaking nasa harap ko.Tiningnan ko kung paano magre-react si Darken.Nang maramdaman ni Darken ang kamay ng babae sa balikat niya, tila biglang bumagsak ang temperature sa buong restaurant.Ang maamo at mapagmahal na mukhang kanina lang ay nakaharap sa akin
Dalawang buwan.Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang bumalik kami mula sa Paris, at sa loob ng mga araw na iyon, pakiramdam ko ay tuluyan nang naghilom ang lahat ng sugat na iniwan ng nakaraan.Wala nang mga sikreto. Wala nang sakit, pagsisi at panghihinayang.At ngayon, ang lalaking minsang nagtago sa likod ng pagiging isang 'gigolo' at 'assistant' ay nakatayo sa tabi ko araw-araw, bilang ama ng anak ko, at bilang lalaking pinakamamahal ko.Ngayong hapon, kakatapos lang ng isang napakahabang meeting.Hindi para sa isang fashion campaign, at lalong hindi dahil sa dalawang kumpanyang nauna na naming pinag-isa. Ang Yamson models ay na-i-merge na Saviano Modeling Empire na muling binuksan ni Darken.This meeting is something… personal.Nasa loob kami ng isang exclusive VIP lounge ng isang sikat na event organizing firm.“Mr. Saviano, Ms. Yamson... nakuha na po namin ang exact measurements para sa glass pavilion,” nakangiting paliwanag ng event organizer na si Miss Valerie, habang i
Bago kami tumuloy sa airport pabalik sa Pilipinas, hinila ko muna si Darken sa isa sa pinaka-exclusive na men’s boutique at grooming salon sa Champs-Élysées.Hindi ko pwedeng iuwi ang ama ng anak ko na mukhang galing sa pakikipaglaban sa ulan at dilim ng isang taon.Gwapo parin naman siya! Sobra! Wala ng ibang gagwapo pa sa Darken Saviano ng buhay ko, pero kailangan niya talaga ng make over.Masyado niyang pinabayaan ang sarili niya, at dahil ako, at ang pagiging padalos dalos ko, ang naging dahilan nito.Kailangang mag initiate ako.“Angel, hindi na kailangan ito...” mahinang bulong niya habang tinitingnan ang paligid ng salon na puno ng mga kilalang personalidad sa fashion industry ng France.Tiningnan ko siya sa reflection ng salamin habang iniaabot ko sa barber ang instructions ko. “Darken, remember, I’m the boss now. At dahil ako ang boss mo, ako ang masusunod, sige ka wala kang kiss.” Nakakaloko kong saad.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kaniya. “Yes, my lady.”Pinanood ko
“Day 525...” panimula niya, ang mga mata ay kumikinang sa luha. “Finally... I am forgiven.”Tuluyang nabitawan ng mga nanginginig kong daliri ang dulo ng kumot na nakabalot sa akin. Dahan-dahan itong dumausdos pababa, inilalantad ang balat ko sa malamig na hangin ng apartment, pero wala na akong pakialam.Nakangiti ako habang walang-patid na umaagos ang mga luha ko.Dahan-dahang ibinaba ni Darken ang DSLR camera sa ibabaw ng maliit na mesa.Humakbang siya palapit. Isa. Dalawa. Hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa akin. Kinuha niya ang isang malaking men’s shirt na nakasabit sa may kama at walang pasabing isinuot sa akin.Napangiti ako.Ilang saglit pa, hindi na siya nag-alinlangan pa. Ibinuka niya ang malalapad at matitipuno niyang braso at kinabig ako papasok sa isang napakahigpit na yakap.Sumubsob ang mukha ko sa mainit at hubad niyang dibdib.Rinig na rinig ko ang mabilis at nagwawalang tibok ng puso niya na sumasabay sa bawat paghikbi ko.Ipinulupot ko ang mga braso ko sa bewan
Ilang minuto pagkatapos ng lahat, nanatili kaming nakahiga, magkayakap, at naghahabol ng hininga sa gitna ng dilim.Nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya, nakikinig sa mabilis ngunit payapang tibok ng puso niya. Ang isang braso niya ay mahigpit na nakapulupot sa baywang ko, ang kamay niya ay marahang hinahaplos ang buhok ko. Pakiramdam ko, nakuha ko na ang kapayapaan na matagal kong hinanap. Naramdaman ko ang dahan-dahang paggalaw ni Darken. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. “Wait here, my lady.” Dahan-dahan siyang bumangon, hinayaan ang malamig na hangin na dumampi sa hubad kong katawan, bago ko hinila ang makapal na kumot para ibalot sa sarili ko. Narinig ko ang mahihinang yabag niya sa sahig. Ilang sandali pa, narinig ko ang pag-click ng switch. Biglang nagliwanag ang buong kwarto. Napapikit ako nang mariin, nasilaw sa biglaang liwanag matapos ang mahabang oras sa dilim. Nang unti-unting mag-adjust ang paningin ko, dahan-dahan akong napabangon, hawak-hawak ang kumot na







