Bumukas ang pinto at pumasok ang isang may edad na doktora. May bitbit siyang puting folder at may malawak na ngiti sa labi. “Miss Yamson?” umupo siya sa tapat ko. “I have your results.” Napalunok ako. “A-ano po ang resulta, Doc?” Lumawak ang ngiti nito. “Congratulations. You are positively pregnant. Based on the tests, you're about six weeks along. Everything looks normal and healthy.” Para akong nabunutan ng isang milyong tinik sa dibdib. Totoo nga. Buntis ako. Magkakaroon kami ng anak ni Darken! Muling nangilid ang mga luha sa mga mata ko, pero ngayon, sigurado akong luha iyon ng purong kaligayahan. “Thank you, Doc... thank you,” nanginginig ang boses na sagot ko. “First time mom, I assume?” natatawang tanong niya habang nagsusulat ng reseta. “It's normal to feel overwhelmed. Expect some changes in your body. Morning sickness, fatigue, tender breasts... lahat iyan ay normal sa first trimester mo.” Habang nagpapaliwanag siya, may isang tanong na kanina pa naglalaro sa i
Terakhir Diperbarui : 2026-04-17 Baca selengkapnya