“You look beautiful tonight, Little Bird,” paos at nakakapangilabot na bulong niya, ang hininga niya ay tumama sa leeg ko, sapat lang para ako lang ang makarinig. “Tell me you miss me, cause I am fucking sick wanting to see, touch and claim you again as soon as possible, woman.”“Sa ngayon, mag-enjoy ka muna.”Nanigas ang buong katawan ko. Parang umurong ang dila ko at natuyo ang lalamunan ko.Pilit kong ibinuka ang mga labi ko para magsalita, para sumigaw, para humingi ng tulong, pero bago pa man ako makabuo ng kahit isang tunog, mabilis siyang umayos ng tayo at namulsa. Nag-iwan ng isang makahulugang ngisi.Pagkatapos, umalis siya at tumalikod na parang walang nangyari. Doon lang ako napakurap, pero ang dibdib ko, hindi pa rin magkamayaw ang tibok.Napalunok ako at pinilit na kinalma ang sarili ko, nilibot ko ang panginin ko habang dahan dahang naglalakad pabalik sa upuan ko. Pero hindi ko na makita kung nasaan siya. Masyadong lumutang ang utak ko, alam kong nagpapalakpakan ang mga
Zuletzt aktualisiert : 2026-05-05 Mehr lesen