Nanlaki ang mga mata ko. “H-Hindi! A-Ako na. Kaya ko na siya—”“I said, give him to me, Yna,” madiing ulit niya.Nanginginig ang mga kamay kong dahan-dahang inilapit si Baby Dark sa kaniya.Ang isip ko ay nagwawala. Paano kung saktan niya? Paano kung ihagis niya?! Diyos ko, huwag naman sana!Pero nang lumapat ang bata sa malalaki at magagaspang niyang mga braso, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.Maingat niyang sinalo si Baby Dark. Ang malaking palad niya ay sumuporta sa likod ng ulo ng bata, habang ang kabilang braso niya ay pumulupot sa maliit na katawan nito.Inilapit niya ang bata sa matigas niyang dibdib, eksakto sa bahaging naririnig ang tibok ng puso niya.“Shh... quiet now, little man,” malalim at nakakapangilabot na lambot ng boses niya ang namayani.At sa isang iglap na hindi ko inaasahan... nagsimula siyang gumalaw.Dahan-dahan, marahan, at may tiyempong inugoy niya ang bata. Ang lalaking may hawak na baril noong unang gabi naming magkita, ang lalaking walang-awang nanun
Last Updated : 2026-05-08 Read more