Pagsapit ng gabi, gaya ng plano ko noong matuklasan ko ang panloloko niya, inihanda ko na ang paboritong warm milk ni Lukas bago siya matulog. Nakatayo ako sa kusina, nakatitig sa umuusok na gatas sa baso. Dahan-dahan kong kinuha ang maliit na pakete kung saan nakalagay ang dinurog na sleeping pills. Isa... dalawa... Ibinuhos ko ang sapat na dami ng pulbos sa gatas at dahan-dahang hinalo iyon hanggang sa tuluyang matunaw. Wala nang bakas. Napangisi ako. Ayaw kong galawin niya ako. Nandidiri ako sa tuwing naiisip ko na bago niya ako hawakan, may ibang babae na siyang pinagparausan gamit ang mismong mga kamay na iyon. Ang mga labi niyang humahalik sa akin ay mga labing dumampi na rin sa buong katawan ni Allyza. Dinala ko ang gatas sa master's bedroom. Nakahiga na si Lukas, nag-cecellphone. “Here’s your milk, Love,” nakangiti kong inabot sa kaniya ang baso. “Thank you, Love,” aniya at ininom iyon nang tuloy-tuloy. Wala siyang kamalay-malay. Naghintay ako ng halos 15 minu
Last Updated : 2026-03-17 Read more