Kahit gaano kalaki ang halagang hingin ni Lucas, pag-iipunan niya iyon. Kahit abutin pa ng ilang buwan. Kahit hulugan pa. Hindi siya tatakbo o magtatago. Dahil kung iyon ang paraan para maayos ang pagitan nila, kahit sa pinakamaliit na bagay, handa siyang gawin.Dahan-dahan siyang tumuwid, inayos ang laylayan ng kanyang damit, at muling ibinalik ang sarili sa dating anyo. “Mauna na po ako, Mr. Montenegro,” mahinahon niyang sabi, bahagyang yumuko. “Magpahinga na po kayo.”Walang hinintay na sagot.Marahil alam niyang, kung maghihintay siya, baka hindi na siya makaalis.Tahimik niyang isinara ang pinto. At sa sandaling iyon, para bang may kung anong tuluyang naputol.Ang tunog ng kanyang matataas na takong ay umalingawngaw sa pasilyo. Ngunit habang papalayo siya, unti-unti itong humihina, hanggang sa tuluyang maglaho. Parang isang musikang dahan-dahang nawawala sa mundo ni Lucas.***Sa malawak na hapag-kainan, puno ng ilaw at katahimikan, nakaupo ang ina ni Lucas habang karga si
Read more