Maliwanag ang sikat ng araw sa campsite. Nagkalat ang mga empleyado sa mahahabang wooden tables habang kumakain ng kanin, itlog, at pritong ulam. Maingay ang paligid dahil sa tawanan at kuwentuhan. May nagpapatugtog pa ng music mula sa portable speaker. Mukhang normal ang lahat. Hindi makatingin nang diretso si Andrea kay Luca habang kumakain sila ng breakfast dahil paulit-ulit niyang naaalala ang nangyari sa kanila kagabi. Nasa tapat siya ni Luca sa dulo ng mesa. Puno ang plato niya pero halos hindi niya iyon magalaw. Nakayuko lang siya, nakatingin sa kanin, sa tinidor, o sa baso ng tubig niya. Kahit saan, huwag lang sa mukha ni Luca. Dahil sa tuwing titingin siya rito, bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi. Pagkatapos nilang magtalik, bumalik si Andrea sa tent niya. Maya-maya'y pumunta si Luca sa tent niya nang hatinggabi na. Tulog na ang lahat noon. Humiga ito sa tabi niya at niyakap siya. Hindi dahil gusto nitong makipagtalik ulit. Gusto lang nitong makasama siya. Mahawakan
Last Updated : 2026-05-17 Read more