Pagmulat ni Andrea, nasa pinakamalapit na clinic na siya. Maliit at puti ang kwarto. May kama, isang upuan, maliit na mesa, at bintanang nakatanaw sa madidilim na puno sa labas. May nakakabit na IV sa braso niya. Dahan-dahang dumadaloy ang likido papasok sa ugat niya. Napakurap siya. Mabigat ang ulo niya. Tuyong-tuyo ang bibig niya. Pakiramdam niya parang nasagasaan siya ng truck. Sa tabi niya ay si Luca at ang mga kaibigan niyang halatang nag-aalala. Nakaupo si Luca sa upuan sa tabi ng kama. Nakasandal ang mga siko niya sa tuhod, magkahawak ang mga kamay, at nakayuko ang ulo—parang nagdadasal. Nakatayo si Dona sa paanan ng kama. Si Kaori naman ay nasa may bintana. Hawak ni Alex ang isang baso ng tubig. Si Joanna, hawak ang isa niyang kamay. “Andrea,” sabi ni Dona, mahina ang boses. “Thank God. Gising ka na. You scared us.” “What happened?” tanong ni Andrea, paos ang boses. “You fainted,” sabi ni Kaori. “During the three-legged race. Bigla ka na lang bumagsak. Si Luca ang nagbuh
続きを読む