“Dad, Andrea is pregnant,” sumbong ni Lillian sa soon-to-be father niyang si Antonio na siyang ama ni Andrea. Kasalukuyan silang kumakain kasama ang Mommy Issa niya at ang dalaga niyang kapatid na si Jade. Nasa gitna ang isang inihaw na manok, napapalibutan ng mga mangkok ng gulay at kanin. Ang chandelier sa itaas ay nagbibigay ng mainit at ginintuang liwanag sa buong silid. Nakaupo si Issa sa dulo ng mesa, katabi ni Antonio. Nakasuot siya ng isang mamahaling silk dress at napakaraming alahas. Nakangiti siya sa kanyang mga anak na babae na para bang wala silang kayang gawing mali. Si Jade naman ay tutok na tutok sa kanyang cellphone, walang tigil sa pag-scroll sa social media at halos hindi pinapansin ang mga kasama niya sa hapag. Nakaupo si Lillian sa tapat ni Antonio, maingat na pinagmamasdan ang bawat kilos at ekspresyon nito habang hinihintay ang tamang pagkakataon para ihulog ang kanyang bomba. Buong araw niya itong hinihintay. Mula pa nang matapos ang team building. Mula pa
最終更新日 : 2026-06-06 続きを読む