Andrea looked down at their hands. Magkadikit ang mga daliri nila. Parang ayaw bitawan. “Then huwag mo akong itulak palayo,” sabi niya. “Pinipilit ko,” sagot agad ni Luca. “Then mas pagbutihin mo.” Napatawa si Luca. “I like everything about you,” he admitted, almost frustrated. “That’s the problem.” Tumahimik sila sandali. Hawak pa rin ang kamay ng isa’t isa. Parang lahat ng hindi nila nasabi ay nakasiksik sa hangin sa pagitan nila. Dinala ni Luca ang kamay niya sa labi at h******n ang mga buko ng daliri ni Andrea—isa-isa, dahan-dahan, parang pinipigilan pa niya ang sarili pero hindi na niya kaya. Biglang nanghina ang tuhod ni Andrea. “Gusto kitang yayain lumabas,” sabi ni Luca, malapit sa kamay niya. “A real date. Dinner. Somewhere nice. Kung saan walang nakakakilala sa atin.” “A real date?” ulit niya, halos hindi makapaniwala. Pumintig ng mabilis ang puso niya sa sobrang saya. “Oo.” “May flowers? Candles? Ganoon?” Tumingin si Luca sa kanya. Seryoso ang mata niya, pero may
続きを読む