Pagkaalis ni Adrian, pumasok na sila ni Nelly sa loob. Malaki ang bahay at may fountain sa gitna. Maganda ito at may mga halaman sa paligid pero para kay Scarlett, wala pa rin itong tatalab sa ganda ng penthouse niya. Lugar pala ito ng football team at dito nakatira sina Ethan, Mike at iba pa. May kanya-kanya silang kwarto at kumpleto sa gamit. Pagpasok ni Scarlett, naamoy niya agad ang usok ng sigarilyo, alak at iba pang mabahong amoy. Nakita rin niya ang mga taong naghahalikan at naglalambingan sa bawat sulok. Sanay na siya sa ganitong eksena dahil mga estudyante naman sila. Nasa bar si Ethan kasama sina Mike at Marcus at pinag-uusapan nila si Scarlett. Simula kasi nang pumasok ito sa school, ito na ang laging usap-usapan. Dahil sa tapang at ganda nito, marami ang humahanga at mayroon ding naiinggit. "Akala ko ba mayabang lang 'yan? Akala niya siguro mas mataas siya sa atin at hindi tayo karapat-da
Dernière mise à jour : 2026-04-09 Read More