CHAPTER 23: THE GALA NIGHT (Yvaine’s POV) — Biyernes ng gabi. Um-attend ako sa taunang High-Society Charity Gala kung saan nagtitipon ang mga pinakamayamang pamilya, matataas na diplomats, at pinakaimpluwensyal na negosyante sa buong bansa. Bilang President ng Villareal-Zamora Group, kailangan kong maging perpekto. Nakasuot ako ng isang floor-length emerald green satin gown na may plunging neckline at mataas na slit sa gilid. Ang aking buhok ay maayos na nakalugay sa kaakit-akit na mga kulot, at pinalilibutan ako ng kumikislap na mahiyaing alahas. "President Yvaine, the board members are waiting near the VIP lounge," ipinaalala ng aking assistant habang dahan-dahan kaming naglalakad pumasok sa ballroom. "Understood," pormal kong sagot habang nakangiti sa mga reporters na mabilis na nagpapatakbo ng kanilang mga camera flash. Subalit habang dahan-dahan akong humahakbang sa ibabaw ng kulay pulang karpet, bahagya kong naramdaman ang mabilis na paglingon ng ilang kababaihan sa akin
Leer más