CHAPTER 12: THE DEAL(Yvaine’s POV)—Tahimik ang loob ng kulay itim na Dodge Charger habang binabagtas namin ang kahabaan ng NLEX pabalik ng Maynila. Nakasandal ang ulo ko sa passenger seat, nakatitig sa malamig na kadiliman sa labas ng bintana. Ang mga ilaw ng poste sa highway ay mabilis na lumilipas, pero ang matinding inis at galit sa dibdib ko ay hindi pa rin humuhupa.Tumingin ako sa lalaking nakahawak sa manibela. Nakatitig lang si Julian sa kalsada, diretso ang posture, at walang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. Para siyang isang makina na walang nararamdamang pagod o pagsisi matapos sirain ang buong gabi ko."I hate you, Vance," mahinang bulong ko habang hindi nakatingin sa kanya."I am aware, President Yvaine," malamig niyang sagot nang hindi man lang lumingon.Napasara ang aking mga kamay sa aking kandungan. "Sinira mo ang buong gabi ko. Sinira mo ang karera ko sa Pampanga. Do you really think this makes you a hero?""I am not trying to be a hero," sagot ni Julian sa i
Read more