Hidden Desire Niel POV Palaging umiiwas sa akin si Cindy nitong mga nakaraang linggo. Pinapansin niya naman ako at nilalambing, pero hindi kagaya noon. Parang may pader sa pagitan namin simula nang mangyari ang ginawa namin. “Mahal ko, hatid ko na yung mga kids sa school.” Lumapit siya sa akin, niyakap ako, at dinampian ng halik sa labi. “Mag-ingat ka sa pagda-drive.” Niyakap ko siya nang mahigpit, at ginantihan niya rin iyon. Mahal na mahal ko talaga siya. “I love you, Mahal ko.” Tumango lang siya. Kailan ko kaya ulit maririnig ang salitang ’yon mula sa kanya? Lumapit ako at muli siyang niyakap. “I love you too, Bakulaw ko.” Napatitig ako sa kanya. Sobrang nabigla ako. Hindi ko namalayang naluha na pala ako. “Sus! Naiyak na agad ang bakulaw ko.” “Narinig ko rin sa wakas ang pinakaaasam kong salita!” Ngumiti siya, pero napansin kong basa rin ang mga mata niya. “Humihingi ako ng sorry sa’yo. Hindi ko man sinasabi, pero nakaramdam ako ng tampo, inis, at konting gali
Read more