Cindy POV"Good morning, everyone!”Napalingon kaming lahat sa lalaking masiglang bumati. Gwapo rin siya, at halatang sanay maging sentro ng atensyon.“Good morning sa dyosa kong ina at sa mala-Hercules kong ama!”Tumayo ang mag-asawa para bumeso sa bagong dating.“Oh, bro! Nandito ka pala ngayon. Kamusta na ang bunso naming mapagmahal?” biro nito.Inilapit niya ang kamay para makipag–fist bump kay Nilo, pero isang malamig na tingin lang ang isinagot ni Nilo sa nakaabang na kamay.“Eto. Mas gwapo pa rin sa’yo.”Malamig ang tono ni Nilo, pero ramdam ang yabang.“Ah, ganon? Gwapo nga… pero matured na ba?” nakangising hamon nito.“Kailan ba ako naging immature? Ikaw nga ang hindi pa tumatanda ang utak,” napipikon nang sagot ni Nilo.“See? Pikon ka pa rin. Wala talagang pagbabago,” natatawang asar ng lalaki."Good morning,” bati ng babaeng kakadating lang. Lumapit siya at nakipag-beso sa mag-asawa.Pagdating naman sa lalaking kapikunan ni Nilo, smack kiss muna ang nangyari—pero bigla iyon
Last Updated : 2026-03-10 Read more