Hidden Desire Cindy POV Papunta kami ngayon ni Niel at ng mga bata sa hindi ko alam kung saan dahil naka-blindfold kami. “Nandito na tayo,” sabi ni Niel habang tinutulungan akong bumaba sa kotse niya. Pati ang dalawang bata ay inalalayan niya. Pagkatapos, tinanggal niya ang blindfold ko. Pagtingin ko sa paligid, napatigil ako. Bakit kami nandito? “Mommy, dati nating bahay ’to ah!” masayang sabi ni Charlotte. Napatingin ako sa kanya, sobrang tuwa ang makikita sa mukha niya. Ganoon din si Charles. “Tara, pasok tayo sa loob,” sabi ni Niel. Sumunod kaming tatlo. “Wow! Mas lalo pang gumanda!” tuwang-tuwang sabi ni Charlotte. “Pwede pong makita ang dati kong room?” paalam niya kay Niel. “Sure. How about you, son?” Tumango si Charles. Kinalong ni Niel ang dalawa at naglakad sila papunta sa hagdan. “Ano pang ginagawa mo diyan? Halika na,” sabi niya sa akin. Tumango ako at sumunod sa kanila. Pagdating namin sa pinto ng kwarto nila, agad bumaba sina Charlotte at Charles mula kay
Read more