Hidden Desire Cindy POV Nakatingin ako sa pinto ng office na pagtatrabahuhan ko. Pinapasok na ko ang papalitan kong secretary dahil mukhang manganganak na ito next month. Pagpasok ko, agad kong napansin ang isang babaeng nakatanaw sa bintana. "Good morning po. I'm Cinderella Salcedo Mo—" Ay! Oo nga pala, single lang pala ako. Pagkaharap niya, parang hindi ko alam kung nakakita ba ako ng dyosa o diwata sa harapan ko. Grabe—para siyang anghel na bumaba sa lupa. "Good morning, Ms. Salcedo. Have a seat," nakangiti siya, mala-anghel ang tinig. Umupo ako sa harap niya at inabot ang resume ko. Binasa niya ito at tumingin sa akin. "Actually, Ms. Salcedo, qualified ka sa inaaplyan mo as my assistant. But I think… I can’t hire you. Because you’re a single mom," sabi niya. Kinadismaya ko iyon, pero tumango lang ako. "Okay po. Thank you po, Ma’am," sabi ko at tatayo na nang natawa siya. "Hindi mo lang ba ipagtatanggol ang sarili mo?" Kunot ang noo niya, pero nakangiti pa ri
더 보기