Hidden Desire Cindy POV Nagising ako sa lamig ng aircon na tumatama sa balat ko. Nung isang araw pa kami nandito sa resort, pero hanggang ngayon, pakiramdam ko sobrang boring pa rin ng lahat. Papaano naman kasi, palaging busy si Niel. Meeting dito, tawag doon, usapan sa negosyo—parang ang layo-layo niya kahit magkasama kami sa iisang lugar. Gusto ko mang sumama sa kanila, makisali sa usapan, tumawa kasama nila… pero parang may pader sa pagitan namin na hindi ko kayang lampasan. Tahimik lang akong bumangon at kumain mag-isa. Habang ngumunguya ako, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ang ganda ng dagat. Malinaw, bughaw, parang walang problema sa mundo. Pagkatapos kong kumain, nagdesisyon akong lumabas. Kailangan ko munang maglakad-lakad, kahit papaano pakalmahin ang isip ko. Lumabas ako papunta sa dalampasigan. Pagmamay-ari nila Niel itong beach na ‘to, kaya halos lahat ng nakikita ko ay parte ng buhay niya—na hindi ko na yata ganun kalapit ngayon. Habang naglalakad ako sa bu
Read more