Hidden Desire Nilo POV Nandito ako ngayon sa Starbucks habang naghihintay sa pagdating ni Cindy. Nag-message na rin siya sa akin na on the way na daw siya. Inayos ko ang sarili ko nang makita ko siyang papalapit sa labas. Wala lang ibig sabihin nito, ganyan lang talaga ako. Gusto ko talagang maayos ang itsura ko kapag haharap sa kahit kaninong tao. Nang makalapit na ako sa kanya para batiin siya at makipag-beso, nilagpasan niya lang ako at diretsong umupo nang nakasimangot. Umupo ako sa harap niya at tiningnan siya nang nakangiti, pero siya malamig lang na napatingin. "Mrs. Monteverde, konting ngiti naman diyan." Ngiti ko sa kanya nang pagka-tamis-tamis, pero mas lalong sumama lang ang tingin niya. "Order muna tayo. Anong gusto mo—chocolate, coffee, o me?" Biro ko sa kanya na akala ko ikakatuwa niya. "Lahat gusto ko, pwera lang sa huling nabanggit," matabang niyang sagot. "Nasaan ba yung investors mo? Anong oras daw dadating?" Parang wala talaga siya sa mood ngayo
Read more