“Oo na, tatahimik na,” anya.“Yes, Ruoxi. At ang alam ko lang, ang isa sa mga anak mo ay hawak ng delikadong tao, at hindi ko alam kung nasaan ang isa. Ako ang nagpalabas sa isa, pero ’yong bunso ay hindi ako, dahil may biglang pumalo sa likod ko at nawalan ako ng malay. Pero nang magising ako, wala na akong nakitang bata sa tabi mo o kahit tinig man lang nila. I swear, Ruoxi, ginawa ko ang lahat para hanapin sila hanggang sa may nakita akong batang babae na alam kong hindi naman nanggagaling sa’yo. Nalaman ng Daddy mo ang nangyari dahil binisita ka niya dito at sinabi ko ang nangyari. Nagalit siya sa aming lahat at pinahanap ang anak mo, pero wala kaming naging balita hanggang sa napagdesisyunan na ang batang nakita ko ay gawing anak mo na lang. Ang pinagtataka ko rin, dahil noong magising ka, hindi mo alam kung ilan ang inilabas mong anak. Hindi kita maintindihan sa mga oras na ’yon, pero mabuti na lang at hindi ka nagtanong,” mahabang salaysay niya.Ibig sabihin, dalawang lalaki an
더 보기