"Are you going back po ba, Daddy?" tanong ni Raisa sa ama nito."Of course, baby. May kailangan lang gawin si Daddy, okay? Just take care of your mother, okay? Andito naman si Ate Luna n'yo, siya na muna ang bahala sa inyo," wika nito.May kinuha kasi siyang magbabantay sa pamilya niya dahil alam niyang matatagalan siya sa kanyang gagawin. Si Luna ay galing din sa bahay nila na pinapaaral niya lang dati. Bakasyon ngayon kaya naisipan niyang papuntahin ito dito. Mabuti na lang din at pumayag ito."Oo, kaya Raisa, huwag ka mag-alala. Habang hindi pa magaling si Ate Vienna, ako na muna ang mag-aalaga sa inyo," nakangiting saad ni Luna.Ngumiti sa kanya si Raisa. Si Raisa kasi ay humabol sa labas dahil si Dashel ay hindi maiwan ang mommy niya at ang kapatid niya, nais lang humabol ni Raisa dahil nais pa niyang magpaalam sa ama."Be safe po," naiiyak nitong paalam sa ama."I will always do, baby. Huwag mo pababayaan ang mommy mo, babalikan ko kayo," wika nito."Yes po, Daddy."Hinalikan n
Read more