"Anong nakakatawa at bakit mo ako dinala dito, nakakainis ka talaga!" inis kong sigaw sa harap niya habang siya ay natatawa pa rin."Sinabi ko na naman sa'yo, kahit saan ka patutungo, hindi ka makakatakas dito," anya, at parang nagmamalaki pa kahit malaki naman talaga siya, eme."Kapag nakaalis ako dito, sasapakin talaga kita," banta ko."Kung kaya mo?" patanong niyang saad.Ginigigil niya talaga ako, at binalak pang ilagay ako dito sa gitna ng dagat na parang wala nang ibang tao dito. Pero ayoko nang manirahan dito, lalo na kasama ko itong kinaiinisan ko. Nakakainis talaga 'yang pagmumuka ni Blue, iyong parang gusto kunang kagatin.Pinagmasdan ko siya na ngayon ay naka-upo sa sahig habang nagmamasid sa akin at parang walang balak na tulungan ako. May naiisip akong paraan para makaganti sa ginawa niya sa akin."Wala ka bang balak tulungan ako?" tanong ko.Tiningnan niya ako ng seryoso at tumayo, habang ako naman ay nakasimangot na, mas lalo akong naiinis dahil sa mga titig niya sa ak
더 보기