Bagay na bagay sa kanya. Kahit anong damit, ang pogi ng criminal na ’to—ay mali, hindi pala. Lumagpas lang siya at dumiretso sa kusina. Hinayaan ko na lang hanggang sa narinig ko ang sinabi niya.“Who’s the man earlier?” rinig kong tanong niya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong seryoso siya.“Huh? Sino?”“Don’t deny it,” anya.“Wala naman ah,” saad ko.“I saw you hugging him. You know what, I want to punch that man.” Nakikita ko na siya ngayon, umiinom siya ng beer.Napa-seryoso ang tingin ko sa kanya at inisip ang sinabi niya. Bigla kong naalala si Gabriel. Tama, si Gabriel ang kasama ko kanina at ang anak ko, but we were just having a conversation. Hindi ko pwedeng sabihin na kasama ko ang anak ko dahil baka mas lalo siyang mag-isip ng iba.“Ah, ayon ba?”“Oo, ’yon na ’yon,” taas-kilay niyang tanong. Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa tabi ko.“May binili kasi kami. Katrabaho ko lang siya, may binigay nga siya sa akin.” Hinanap ko ang bulaklak na binigay ni Gabriel per
Read more