Kinuha ko ang cookies at naglakad na papunta sa kinaroroonan ni Dashel, ngunit hindi ko siya nakita doon kaya naman bumuntong-hininga ako. Dala ang maliit na pinggan ay umalis ako sa kusina.“Dashel, anak, luto na ang cookies,” sigaw ko.Walang Dashel na nagpakita kaya naman napakamot-batok na lang ako. Asan naman kaya nagtago ang batang ‘yon? Nagpatuloy ako sa pagtawag sa pangalan niya hanggang sa may narinig akong mga boses na ikinagulat ko.“Yes, Mamala, my mom is here. She’s cooking my cookies,” ramdam ko ang mga ngiti sa boses ni Dashel.“Really?”“Opo, Lolo Dad, can you please faster?” saad ng bata.“HAHA, okay, apo,” isang napakahusky na boses ang narinig. Sh*t? Sino ang mga taong ito?Nang makita ko sila ay gusto kong tumili, pero dahil sa gulat ay hindi ko magawa. Napaawang ang labi ko. Doon tumakbo si Dashel papunta sa akin at hinila ako.“Mamala, this is my mom. Mommy, this is my grandparents,” nakangiting pagpapakilala sa akin ni Dashel. Nakita ko ang pagtataka sa mukha
Read more