Nica's POV"Ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo, Nica, why are you here? Dapadaan ako, uuwi sana, tapos nakita kita, lutang habang naglalakad," paliwanag ni Brian.Yes, si Brian ang kasama ko ngayon. Sabi nga niya, napadaan lang siya.Tiningala ko siya at pilit na ngumiti."Wala lang, Bri," walang ganang sagot ko sa kanya. "Namamasyal... at makapag-isip. Gusto ko sanang mapag-isa, pero..." huminto ako. "Nandito ka na, eh. Hindi na ako mag-isa. Okay lang ako, Bri. Uwi ka na."Namewang siya, luminga-linga sa paligid bago naupo sa tabi ko. Sumandal siya sa bench at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib.Muli kong inilipat ang tingin sa dagat at pinagmasdan ang mga taong naroroon, naglalakad, naghahabulan at naglalaro sa buhanginan.Sa senaryong 'yon, kahit panandalian, nakalimutan ko ang mga imaheng paulit-ulit na bumabalik sa utak ko."Nag-away ba kayo ni Alaric?" biglang tanong ni Brian pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. "Kaya ka nandito? Gusto mong takasan na naman?" patuloy niya
Ler mais