Napatitig ako sa sahig. Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya. Nadadala ako sa mapungay niyang mga mata. Higit pa roon, hindi ko maintindihan bakit siya pumayag sa gusto ni Kuya Nikolai.Huminga ako ng malalim. Iyon lang ba talaga ang gusto niya? Ang protektahan ako? Bakit pakiramdam ko meron pa? Why do I feel like kilala na niya ako before pa kami nagkakilala sa bar?"I don't understand, Dax. Bakit pumayag ka sa arrange marriage? Gusto mo bang matali sa akin? Alam mo kung sino ang mahal ko. May anak na kami ni Alaric—""Alam ko, Nica, hindi mo kailangan sabihin sa akin. Alam ko lahat tungkol sa'yo," aniya. Natigilan ako. "Tanggap ko lahat. Tanggap kita. Just give me a chance to prove to you na hindi ako katulad ni Alaric. Hindi kita sasaktan. Hindi ako titingin sa ibang babae, sa'yo lang."Mahina akong umiling. "No, no, Dax, hindi tama 'to. Kapag natuloy ang engagement natin, pareho lang tayo mahihirapan. If you really care about me, about my feelings, please, pag-isipan mo mu
Ler mais