Nagtawanan ang ibang mga trabahador sa paligid habang nararamdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi.“Work,” utos ko sa kanila habang pinipilit magtunog seryoso.“Yes, ma'am,” mabilis na sagot ni Ali, pero nananatili pa rin ang pilyong ngiti sa kaniyang labi.By lunchtime, nagtipon-tipon ang lahat sa ilalim ng temporary tent sa tabi ng construction site. Simple lang ang tanghalian, kanin, manok, gulay, at ilang bottled drinks. Umupo ako sa isang maliit na plastic table at magbubukas na sana ng pagkain nang biglang lumapit si Ali at naglagay ng malamig na bote ng tubig sa aking harap.“Inom kayo, ma'am. Masama kapag kulang ng tubig ang katawan.”“I have water.”“That's warm,” turo niya sa dala kong bote.Tinitigan ko ang aking tubig at narealize na mainit nga iyon dahil sa bilad sa araw. “I can drink it.”“But you shouldn't.” Kumuha pa siya ng isa pang mas malamig na bote mula sa cooler at inilagay muli sa harap ko. “Here.”“Thank you.”Umupo siya sa bakanteng upuan sa aking tapat.
Leer más