Kanina pa kami nagbubulungan dito ni Hannah kung anong i-o-order namin, pero panay pasahan kami ng menu. Ang ending pinasa namin kay Alaric.Iyong sanay ako sa ganito, pero biglang tinamaan ng hiya. Ito kasing si Hannah, may pa-fine dining restaurant pang nalalaman. Kung sana sa cafeteria kami tumuloy, hindi sana kami nap-pressure ng ganito.“Hindi kayo mag-o-order? Ako na lang?” paninigurado ni Alaric.“Opo, Sir. Ikaw na lang. Nakakahiya naman sa'yo,” si Hannah.Marahan ko siyang siniko at pinanliitan ng mata.“Dapat kasi ikaw na,” bulong ko. “Kung sana sa cafeteria tayo, hindi tayo naha-hotseat dito.”“Sorry naman po, Ms. Nica, gusto ko lang makatry ng fine dining,” sabi niya at napa-peace sign.Medyo nagulat ako. First time pala niya 'to?Nakonsensya ako bigla. Hindi na lang ako umimik at hinayaan na lang namin na si Alaric ang mag-order, pero ang kapalit no'n halos i-order niya lahat.Napanganga kaming dalawa ni Hannah, sabay na napatingin kay Alaric.“Kung hindi kayang ubusin, pw
Read more