I thought it was Brea's voice, but it was me, almost like a whisper.“Alaric...”Saglit na nanatiling walang emosyon ang mukha niya, ngunit nakita ko ang bahagyang paggalaw ng panga niya, na parang may naalala, pero pinili niyang huwag pansinin.“Yes,” maikli niyang sagot. “And you are…?”Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi niya ako nakilala. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o masasaktan. Ilang taon kaming magkasama sa bahay niya. Naging paraûsan niya ako. Ilang taon akong naging parte ng buhay niya, pero ngayon, para lang akong estranghera sa harapan niya.“Ah… I’m—”“Daddy, siya ‘yong sinasabi kong maganda na nakita ko!” sabat ng bata habang hinahatak ang manggas ng polo ng lalaki. “I-I followed her.”Napatingin si Alaric sa anak niya, saka muli sa akin. Sandali niyang sinuri ang mukha ko, parang sinusubukang alalahanin kung saan niya ako nakita.Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sandaling 'yon.“Ali, say sorry,” utos niya sa bata.“Sorry po,” mahina ni
Last Updated : 2026-03-12 Read more