Chapter 36: The Price of Possession✨ “Hindi na ako ang hinahabol nila… ako na ang hinahanap nila para maghari.” ✨Huminto ang mundo—pero ako hindi.Huminga ako nang malalim, kahit ramdam ko pa rin ang amoy ng dugo, ng pulbura, ng pagkawasak na iniwan ng ginawa ko.Hindi na ako tumatakbo.Ako na ang dahilan kung bakit tumatakbo ang iba.“Freya…”Mahina ang boses ni Torren sa likod ko.Pero hindi ko agad nilingon.Hindi dahil ayaw ko—kung hindi dahil natatakot ako sa makikita ko sa mga mata niya.Hindi na ako sigurado kung ako pa rin ba ang babaeng pinili niya.O kung ako na ang bagay na kailangan niyang kontrolin.“Freya.”Mas matigas na ngayon.Mas malapit.At bago pa ako makagalaw—naramdaman ko na ang kamay niya sa bewang ko.Mahigpit.Mainit.Kontrolado.Napasinghap ako.“Don’t walk away from me.”Mababa ang boses niya. Delikado.Hindi ako lumingon agad.Pero hindi rin ako umalis.“Tapos na, Torren,” mahina kong sabi. “Hindi na ‘to yung dati.”“Exactly.”Mas humigpit ang hawak ni
Leer más