-Daniel-Pagkatapos sabihin ni James na hindi pa maaaring icheck kung nahawaan ako ng sakit, dumiretso kami ni Ada sa restaurant na pag-aari ni Marcus para sana kumain ng lunch. Hindi ko naman inaasahan na makikita ko sila ni Ava dito.At oo, unti-unting kinakain ng selos ang puso ko. Kanina lang, inamin ko kay James na nahuhumaling na ako sa kakambal ng asawa ko. At imbes na magalit sa akin, tinawanan lang ako ng pinsan kong doktor.“That’s forbidden, bro. Pero masarap ang bawal, hindi ba?” komento niya, at tinitigan ko siya ng matiim nang maalalang may girlfriend siyang estudyante. “But seriously, you should at least wait until the annulment papers between you and Ada are processed before falling for her twin sister.”“At sana din, hintayin mo munang maka-graduate ‘yung girlfriend mo bago mo siya jinowa! Masarap pala ang bawal ha!” ganti ko sa kanya, at hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang pinamulahan ng mukha.Noong lumabas kami ng mall pagkatapos mamili, nilapitan ko si Ca
더 보기