-Ava-“Are you okay?” tanong ni Marcus sa akin nang mag-umpisa na ulit kaming maglakad papunta sa parking lot.“Oo naman.” sagot ko sa kanya. “Bakit naman hindi, eh nandito ka naman para ipagtanggol ako, di ba? At saka kahit wala ka, kayang-kaya ko sila ‘no! Hindi ako natatakot.”Napangiti siya sa sinabi ko, at sa unang pagkakataon ay mukhang totoo ito at hindi na parang nakakaloko. “That’s my girl…” bulong niya, at nagtataka namang tinitigan ko siya.“Anong my girl? Kunwa-kunwarian lang ‘to no!” pabiro ko siyang binatukan, at tumawa ulit siya ng pagkalakas-lakas.Pagdating sa van, inayos muna namin ang aming mga pinamili sa likod, katabi ng mga gamit ng mga kasamahan namin.Bitbit ko naman ang paperbag na may lamang phone na binili para sa akin ni Marcus, at paakyat na sana kami sa loob ng van nang bigla siyang tawagin ni Daniel na nakatayo sa tabi ni Carlito, kaya nauna na akong umakyat sa loob ng sasakyan.Sa dati naming puwesto ni Marcus sa likod ng driver ay nakita kong nakaupo n
더 보기