“Ay, puw*t ng kabayo!”Napapitlag si Suzy nang biglang may yumakap mula sa kanyang likuran. Kabababa niya lang upang maghanap ng puwedeng pagkaabalahan dahil baka mabaliw na sya kaiisip ng kung ano-ano. “OMG! I couldn’t believe this! You’re really back!” matinis na tili ng isang babae.Agad niya itong hinarap, bakas ang labis na pagtataka sa mukha ni Suzy. “S-sino ka?!”“Gosh, Irish, haven’t you remembered me? Like, hello?? This is me, your best friend. Jesha!”.Mula ulo hanggang paa ay pinasadahan niya ng tingin ang kaharap. Ganoon din ang ginawa ng babae sa kanya, tila sinusuri ang bawat detalye ng kanyang pagkatao.Base pa lang sa aura nito, alam na niyang mayaman ang babae. Nakasuot ito ng soft pink mula ulo hanggang paa. Mula sa hair ribbon ni Jesha, hanggang sa stilettos na suot.Kumikinang ang mga alahas nito, at bawat galaw nya ay may kasamang tunog ng mga nakasabit na anik-anik sa mamahalin nyang bag.Ngumunguya pa ito ng bubble gum, saka pablang nag-pop, na lalong nagpaang
Read more