Umuubong nagising si Suzy, tila may kumakapit na hapdi sa kanyang lalamunan. Mabigat ang kanyang dibdib, at bawat paghinga ay parang may bahagyang kirot. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, nanlalabo pa ang paningin habang sinusubukang unawain ang paligid.“She’s already awake,” wika ng isang hindi pamilyar na boses—malalim at kalmado, ngunit may bahid ng awtoridad.Bahagya siyang napakunot-noo. Sino iyon?Dahan-dahan siyang bumangon, ngunit agad siyang napahawak sa gilid ng kama nang maramdaman ang pagkahilo. Mabilis namang lumapit si Manang Tata, maingat siyang inalalayan, isang kamay ay nakasuporta sa kanyang likod habang ang isa ay marahang humahawak sa kanyang braso.“Dahan-dahan lang, iha…” malumanay nitong saad, bakas ang pag-aalala sa tinig. “Maayos na ba ang pakiramdam mo? O may nararamdaman ka pang masakit?”Hindi agad nakasagot si Suzy. Tila naguguluhan pa ang kanyang isip. Ipinilig niya nang bahagya ang kanyang ulo, pilit inaayos ang kanyang ulirat.Napati
Read more