Share

Chapter 16

Author: Maijan
last update publish date: 2026-04-09 23:34:25

Nanatiling nakatayo si Suzy sa harap ng pintuan matapos umalis si Manang Tata. Para bang nakabaon ang kanyang mga paa sa sahig at hindi malaman kung papasok na ba o uurong na lang.

“Hanggang sa mahalin ka niya ng tuluyan…”

Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang mga salitang iyon.

Mahal?

Napakabigat na salita… pero napakalayong pangarap kung aabutin ng isang babaeng kagaya nya.

Humugot siya ng malalim na hininga, saka dahan-dahang ipinatong ang kamay sa doorknob. Ramdam niya ang lamig ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 24

    “T-travis…” nanghihina niyang tawag sa pangalan ng lalaki, halos hindi na lumabas ang boses sa nanginginig niyang labi.Kasabay no’n ay ang marahas na pag-ugong ng hangin sa labas. Humahampas ang ulan sa bintana na parang galit na kumakatok sa salamin. Biglang nagdilim ang buong paligid bago tuluyang nilamon ng nakakasilaw na puting liwanag ang silid.“P-please… bumalik ka na…” pakiusap niya, pabulong na halos matunaw sa hangin.Isang nakakabinging dagundong ng kulog ang umalingawngaw, para bang dumagundong sa loob mismo ng kanyang dibdib. Sinundan ito ng kidlat na tila dumapo sa mismong tapat ng kanyang bintana, dahilan para yumugyog ang salamin.Napapikit siya nang mariin.Kumalabog ang dibdib niya—sobrang lakas, sobrang bilis—parang gusto nang kumawala sa kanyang katawan. Humihigpit ang bawat paghinga niya, parang sinasakal ng takot.“Travis…” muli niyang tawag, ngayon ay garalgal na, basag na basag ang desperasyon sa kanyang boses.Isa na namang kidlat ang sumilay sa langit."AHH

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 23

    "Don't let it bother you..."Si Travis na nagbabasa ng dyaryo, ngunit halatang hindi naman talaga iyon ang laman ng kanyang isip. Prente itong nakaupo sa sofa, nakataas nang bahagya ang isang paa, habang paminsan-minsang inaayos ang pagkakahawak sa papel. Saglit siyang napasulyap sa lalaki. Chill lang ito, tila hindi man lang nabulabog ang mundo kanina. Tila walang nangyaring kahihiyan, walang tensyon at parang normal lang ang lahat.Gabi na, at heto siya, kumakain ng hapunang pinadeliver ni Granny Vera. Nakaupo pa rin siya sa kama, may maliit na bed table sa harapan niya. Tahimik ang kwarto maliban sa mahihinang kaluskos ng kubyertos at pagpitik ng dyaryo ni Travis.Napasulyap siya sa isang baso na puno ng tubig. May lumulutang doon na mga spices gaya ng cloves. Galing pa raw iyon sa Europe. Nakakatulong daw kasi iyon para tumaas ang chance na mabuntis siya.Napangiwi siya nang bahagya dahil nagsisimula nya nanamang marinig ang boses ni Granny Vera. Grabe naman, pati sa paginom ng

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 22

    “Surprise! Did I surprise all of you?!”Umalingawngaw sa buong silid ang masigla at halos theatrical na boses ni Granny Vera, na para bang may sarili pa itong spotlight sa pagpasok.“T-Travis…” mahina at halos pabulong na utal ni Suzy, na tila gustong magtago sa ilalim ng kumot.Sandali… Akala ba nila ay nasa Europe pa sya? Bakit sya nandito ngayon? “Granny?!” Si Travis mismo ay napaatras ng bahagya, halatang hindi rin handa sa biglaang pagdating ng kanyang lola.May malawak at pilyang ngiti si Granny habang naglalakad papalapit sa kanila bitbit ang isang basket ng prutas. Puno 'yon at halata ang kabigatan na pilit tinatago ng matanda masabi lang na malakas na sya. “Granny! We already warned you!” mabilis na salubong ni Joaquin, halos agawin ang basket. “You shouldn’t carry heavy things! Matanda na kayo! What if mapaano kayo?!”Nagulat si Joaquin ng malakas na hinampas ni Granny ang kanyang kamay. Malutong 'yon na tumunog. “Thank you, apo! But I can do this,” mataray ngunit may hal

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 21

    Kulang na lang ay harangan ni Suzy ang buong katawan niya gamit ang mga unan dahil sa sobrang kahihiyan. Halos ipitin na niya ang sarili sa pagitan ng mga ito, para bang kapag hindi siya nakita… baka sakaling mawala rin ang mga nangyari kanina. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa silid. Tanging mabibigat na paghinga lang ang naririnig. At dahil doon… mas lalong umuugong ang kahihiyan sa kanyang dibdib. Nakatayo si Travis sa gilid niya tuwid ang tindig, isang kamay ay nakasuporta sa kanyang baba habang pinagmamasdan ang mga kaibigan niya. Hindi siya nagsasalita, pero sapat na ang titig niya para maramdaman ng lahat ang bigat ng sitwasyon.Si Jesha naman ay komportableng nakaupo sa gilid ng kama, sa maliit na couch, naka-cross ang mga braso at tila ba aliw na aliw sa nangyayari.“How did y’all know that we’re here?” panimulang tanong ni Travis, kalmado… pero may laman ang boses.Ang mga kaibigan niya ay nagsisiksikan sa couch. Yung iba ay naka-kandong na sa kasama, yung isa ay ha

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 20

    "Is it still really painful?" Tanong ni Travis kay Suzy. Hindi nya na ata mabilang kung ilang beses nya na itong tinanong sa kanya, at kung paano nya ito paulit-ulit na sagutin. Ilang araw na ang nakalilipas, at sa mga araw na iyon ay halos hindi na siya iniiwan ni Travis mag-isa. Tila ba nakadikit sila gamit ang rugby at hindi maihiwalay. Tumango sya dahilan ng malalim na buntong hininga ng lalaki. Sa bawat galaw niya gaya ng pagbangon, pag-upo, kahit simpleng pag-ikot ng katawan sa kama ay laging nandoon ang lalaki, handang umalalay, tila ba babasagin siya ng hangin kapag pinabayaan.Kung tititigan siya ni Travis, para siyang isang mamahaling porselana na kinaingat ingatan, halos hindi niya mahawakan nang buo.At kahit ilang araw na rin ang lumipas… hindi pa rin humuhupa ang sakit sa kanyang pagkababae. Kahit ang pag-ihi ay nagiging pahirap na gawain para sa kanya.“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Suzy, bahagyang paos ang boses, nang makita si Travis na abalang nag-iimpake ng kung

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 19

    Kailangan na atang tawagin ni Suzy si Jesha upang papuntahin sa mansion para sampalin siya ng malakas. Iyong tipong titilapon talaga ulo nya para lang magising siya sa kung anong kahibangan ang pinapasok niya.Paano ba naman, kanina pa siya wala sa sarili. Hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang init ng mga kamay ni Travis nang buhatin siya nito sa bridal position papunta sa veranda. Para siyang walang timbang sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya, mistulang pag-aari— ay hindi pala! Pagmamay ari pala talaga sya ng lalaki dahil binili sya nito. Napapikit siya saglit habang nakaupo, pilit inaayos ang sarili at sa bawat galaw nya ay may kasamang kirot sa kanyang pagkabābāē. Napangiwi siya nang bahagya at napansin iyon ni Travis.“Does it still hurts?” tanong nito, mahina ang boses habang inaayos ang plato sa harap niya.Napatingin si Suzy sa kanya at bahagyang namula."Kasalanan mo naman,” sagot niya, pero may halong irita at hiya.Kung hindi sana nito binigla, edi sana hindi punit n

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 4

    Nagising si Suzy dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana na tumatama sa kanyang mukha. Bumangon siya at mariing napapikit. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng kaunting kirot.“Hmmmm…” daing niya.Babalik sana siya sa pagkakahiga nang may maalala. Hindi niya alam kung nananagi

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 3

    “ASK. YOUR. SO-CALLED. FAMILY.”Hindi na mabilang ni Suzy kung ilang beses na umalingawngaw sa kanyang isip ang nakakapanindig-balahibong boses ni Travis.Nakatayo siya ngayon sa tapat ng kanilang bahay, dala ang libo-libong tanong na umiikot sa kanyang isip.Totoo bang binenta siya ng sarili niyan

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 2

    Tulalang nakatingin si Suzy sa harap ng salamin. Gabi na naman, at ang ibig sabihin lang noon ay muli na naman siyang magtatrabaho. Ramdam pa rin niya ang pagod dahil wala pa siyang matinong pahinga.Buti na lamang at maalam siya sa pagme-make-up dahil nagawa niyang takpan ang pasa sa kanyang pisng

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 1

    Hindi na maalala ni Suzy kung paano siya nakalas sa pagkakakandado sa yakap ni Travis. Ang tanging natatandaan na lamang niya ay ang pakiramdam ng init sa loob ng bisig ng lalaki.Nakatayo na siya sa harapan ng kanilang pintuan. Agad siyang namutla nang bigla itong bumukas, iniluwal noon ang kanyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status