Zamira Rios POV Maaga pa lang ay gising na ang buong kabahayan. Pagbaba ko sa sala ng lumang ancestral house, naabutan ko si Nanay Lita na abalang nag-aayos ng mga kakanin sa hapag-kainan. Pero ang mas nakakuha ng pansin ko ay ang ingay ng mga heavy equipment na nagmumula sa malawak na lupain sa likod ng bahay. Sumungaw ako sa bintana at doon ko nakita ang dalawang cargo truck ng Del Fierro Construction na dahan-dahang nagpapasok ng mga building materials. Sa gitna ng maalikabok na field, nakatayo si Santi. Naka-casual black t-shirt lang siya, fitted dark jeans, at suot ang kanyang paboritong polarized sunglasses habang seryosong may itinuturo sa blueprint na hawak ng head engineer. "Aba, ang bilyonaryo mo, anak, alas-sais pa lang ng umaga ay nandoon na sa field," puna ni Nanay habang lumalapit sa tabi ko, may dalang tasang kape. "Kausap ang mga kapitan ng barangay at ang mga zonal valuers natin. Sabi ng mga kapitbahay, napakagwapo daw pala sa personal ng magiging manugang ko." "N
最後更新 : 2026-05-26 閱讀更多