Zamira Rios POV Paglabas pa lang namin ng suite, ramdam ko na agad ang bigat ng awra sa hallway. Hindi lang ito basta paglalakad; para akong naglalakad sa gitna ng isang bitayan na ang mga executioner ay may dalawang bitbit na camera at recorders. Hinigpitan ko ang kapit sa braso ni Santi. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil baka biglang manglambot ang tuhod ko at matumba ako sa harap ng maraming tao. "Relax," bulong ni Santi malapit sa tenga ko. Ang boses niya, kalmado pa rin gaya ng kanina, pero may halong awtoridad na parang sinasabing wala silang magagawa sa akin hangga’t hawak niya ako. "Madaling sabihin, mahirap gawin, Santi," balik-bulong ko sa kanya. "Hindi ako sanay sa ganito." "Then get used to it. This is your life now." Nang bumukas ang elevator sa ground floor, sinalubong kami ng sunod-sunod na flash ng camera. Halos mabulag ako sa sobrang liwanag. Tama nga siya. Ang daming tao. May mga bodyguard na humarang sa amin para makagawa ng daan, pero ang mga tanong
Last Updated : 2026-03-14 Read more