Zamira Rios POV "Santi, parang awa mo na, nasa parking lot tayo," bulong ko sa pagitan ng mga halik niya, pilit kong itinutulak ang matigas niyang dibdib habang ang private elevator ng penthouse ay dahan-dahang bumubukas sa basement parking ng Del Fierro Tower. "Walang tao rito, mi amor," paos niyang sagot, pero pinagbigyan niya ako nang bahagya. Huminto siya sa paghalik sa leeg ko pero nanatiling nakapulupot ang dalawa niyang malalaking braso sa baywang ko, ikinukulong ako sa kanyang katawan. "At kung may pumasok man, it's my private floor. Walang may karapatang magreklamo." Huminga ako nang malalim, pilit na inaayos ang nagulo kong buhok at ang kwelyo ng suit ko. "Kahit na. Isipin mo si Nico, nasa unahan lang natin kanina habang bumababa tayo." Natawa nang mahina si Santi, ang tunog na nagpapatakbo ng kuryente sa buong sistema ko tuwing gabi. Lumabas kami ng elevator nang magkahawak ang kamay, at doon ko nakita si Nico na nakatayo sa tapat ng isang dambuhalang sasakyan na nababa
最後更新 : 2026-05-25 閱讀更多