Alexander Santiago Del Fierro POVBGC, Taguig — Twelve Years LaterAng ingay ng siyudad sa ibaba mula sa penthouse suite ng Del Fierro Tower ay parang mahinang ugong lang ng mga insekto. Sa edad na dalawampu't dalawa, natutunan ko na ang mundong ito ay nahahati lang sa dalawang uri ng tao: ang mga gumagawa ng panuntunan, at ang mga natatapakan sa ilalim ng aming mga mamahaling sapatos.Itinaas ko ang baso ng whiskey habang nakatitig sa salamin ng bintana. Suot ko ang isang pasadyang dark charcoal three-piece suit, nakabukas ang dalawang butones sa itaas ng aking kamisa. Ang reflection ko sa salamin ay isang malinaw at nakakatakot na paalala kung kanino ako nanggaling—taglay ko ang parehong matalas na panga, madilim na mga mata, at ang walang awang cold possessiveness ng aking amang si Santiago."Mr. Del Fierro," mahinang untag ni Gabriel, na mas may mantsa na ng uban ang buhok ngunit nananatiling pinakamatapat na kanang-kamay ng aming pamilya. "Nasa ibaba na po ang board members para
Read more