Carys Valderama POVMabilis na lumipas ang tatlong araw na bakasyon namin sa Kyoto. Pagkababa pa lang ng private jet ni Alexander sa private hangar ng NAIA, salubong agad sa amin ang dalawang convoy ng itim na SUV at ang buong security detail sa pangunguna ni Gabriel.Sariwa pa sa isip ko ang tahimik na gabi sa Arashiyama, pero sa sandaling umapak ang mga paa ko sa semento ng Maynila, mabilis na nagbago ang pakiramdam ko. Hawak ni Alexander ang kamay ko habang dahan-dahan kaming bumababa sa hagdan ng eroplano."Are you ready to go back to reality, Carys?" tanong ni Alexander habang nakatingin sa akin sa kanyang mababa at paos na boses.Lumingon ako sa kanya at inayos ang kwelyo ng aking white blazer. "I was born for this reality, Alexander. At saka, madaming nakatambak na files sa BGC division habang wala tayo.""Marco already organized the priority dockets," sagot niya habang inaaakay ako pumasok sa loob ng Maybach. "You don't need to rush everything today."Nang makapasok kami sa lo
اقرأ المزيد