ASHLEY"Sino si Therese?" matalim kong tanong. "Mason, niloloko mo ba ako?"Hindi siya agad sumagot. Sa loob ng ilang segundo, tahimik lang kaming nagpapakiramdaman sa gitna ng dilim. Hindi ko maaninag ang mukha niya, pero sigurado akong nag-iisip siya ng idadahilan o isasagot na kasinungalingan.Bubuka na sana ang bibig ko para itanong ulit kung sino si Therese nang maunahan niya ako. At doon ko napansin ang pagbabago sa boses niya."Sino si Mason?"Napatigil ako sa tanong niya. Ano bang pinagsasabi—Nanlaki ang mga mata ko nang matauhan ako. Diyos ko. Hindi maaari.Mabilis akong umatras palayo sa kama, bitbit ang kumot para takpan ang hubad kong katawan. Kumaripas ako sa kabilang dulo ng kwarto para hanapin ang switch ng ilaw. Nang mahanap ko ito, madiin ko itong pinindot gamit ang nanginginig kong mga daliri. Biglang nagliwanag ang buong kwarto, dahilan para mapapikit ako pansamantala.Nang luminaw na ang paningin ko, doon ko natanggap ang pinakamatinding shock sa buong buhay ko, i
Last Updated : 2026-03-17 Read more