Kinabukasan, maagang nagising si Monica. Nag-bus siya papasok sa trabaho kaya kailangan niyang umalis ng bahay ng alas-sais y medya. Habang ang ibang tao ay mahimbing pa ang tulog, heto siya, naghahabol ng oras. Dahil sa liit ng kanyang sahod, ang pag-commute gamit ang aircon bus ang pinaka-praktikal na paraan para sa kanya.Ang kanyang ina ay maaga ring gumising para ipagluto siya. Alam nito na hindi masustansya ang nakasanayan niyang almusal na kanin at barbecue, kaya gumawa ito ng sabaw na may malunggay at piniritong tilapia na maingat na nilinis upang madali niyang kainin. Nagbaon din ang ina ng dalawang lalagyan para sa kanyang tanghalian.Simula nang baunan siya ng kanyang ina, hindi na siya gumagastos para sa lunch. Tipid na, busog pa. Hindi man siya gaanong nakikihalubilo sa opisina, may mga taong laging lumalapit para kumustahin siya, pati na ang kanyang department supervisor.“Monica, nagbaon ka na naman ng lunch?” Ang lambing ng boses ni Lance, parang musika sa kanyang tenga
Magbasa pa