‘Kung nasa condo ko lang siya, hindi siya makakatakas sa akin.’ Halos isang linggo na siyang nagtitimpi, at simula noong huli silang nagtalik, wala na siyang ibang gustong makatabi kundi si Monica.Kahit naiinis siya sa sitwasyon, nagtiyaga siyang pakisamahan si Nanay Esmeralda para makuha ang loob nito. ‘Dahan-dahan lang, makukuha mo rin siya,’ sabi niya sa sarili.Sa huli, kinatok na rin si Monica ng kanyang ina para kumain dahil hindi na ito lumalabas ng silid. Wala siyang choice kundi ang harapin ang lalaking iyon. Pagkakita ni Wade kay Monica, biglang nagliwanag ang kanyang mukha. Sa sobrang sidhi ng kanyang imahinasyon sa kung ano-anong bagay, biglang tumulo ang dugo mula sa kanyang ilong.“Ay, Diyos ko! Anak, dumudugo ang ilong niya!” Sigaw ni Nanay Esmeralda.“Monica, dalhin mo siya sa sofa. Humiga ka muna, kukuha lang ako ng yelo sa ref,” utos ng ina.Pinunasan ni Wade ang kanyang ilong gamit ang sariling damit, ngunit lalo lamang itong nadumihan. Sinabihan siya ni Monica nang
Read more