Pumasok si Debbie sa klase na mabigat ang loob. Hindi niya alam kung kakayanin ba talaga nila ni Walter ang relasyon kung hindi naman siya tanggap ng pamilya nito.“Debbie, may problema ka ba? Ang lalim ng iniisip mo ah,” tanong ni Jane, ang matalik niyang kaibigan, habang break time nila.“Jane, sa tingin mo ba magiging maayos ang pagsasama kapag hindi boto ang mother-in-law sa 'yo?”“Bakit, hindi ka ba gusto ng nanay niya?” bulong ni Jane.“Hindi eh. Sabi niya hindi raw ako mayaman at walang koneksyon. Ang totoo, may pinili na siyang ibang babae para sa anak niya.” Kahit sinabihan siya ni Walter na huwag mag-isip ng masama, hindi niya maiwasang ma-stress.“Naku, nakakainis naman 'yan! Well, same case sa family ko, kasi ang tatay ko ay Chinese, so alam mo naman siguro kung gaano ka-strict ang lola ko, 'di ba?” Naawa bigla si Jane sa kanyang nanay habang naaalala ang pinagdaanan nito.“Eh paano naman nakaligtas ang nanay mo?” Tanong ni Debbie, iniisip niya kung kailangan ba niyang magi
Read more