Tahimik lang si Celestine, pero sa loob-loob niya, halos mahilo na siya sa dami ng iniisip. Hindi niya akalain na makikita niya si Sebastian Riego na nagpapa-humble. Kanina lang, nilalait nito ang mga sea turtle o balikbayan, pero ngayon, nakikipagkamay na ito nang nakangiti at naghahanap pa ng common ground.Superb acting skills, sa isip ni Celestine."Of course, cooperation is key. Mr. Riego, kung may time ka, let's sit down and talk later," anyaya ni Gabriel. Hindi niya kilala si Sebastian, pero dahil asawa ito ni Celestine, naging curious siya. Gusto niyang kilalanin ang lalaking napangasawa ng kababata niya.Dahil nag-offer na ang master,hindi na tumanggi si Sebastian. "Sure, I’m actually free. Let's find a spot to talk."Pero bago sila lumakad, hinapit ni Sebastian ang bewang ni Celestine at bumulong nang may diin, "Tara na, makipag-catch up ka na sa old neighbor mo."Nanigas ang mukha ni Celestine. Binagalan niya ang lakad para makapag-usap sila nang pabulong. "Ano bang trip mo
Read more