Nailang na napangiti si Franco, "Miss Celestine, hindi rin po namin sila kayang pigilan eh."Naging sobrang sensitive ni Celestine. Pagkarinig na pagkarinig pa lang niya sa 'Miss Celestine', agad niya itong itinuwid: "Franco, Celestine na lang.""..." Mukhang na-awkwardan si Franco pero pilit na napangiti, "Nung hapon po kasi... idea po talaga 'yun ni Mr. Riego."Nagtataka at naguguluhang nagtanong si Adrian, "Teka nga, anong pinag-aawayan ninyong dalawa?"Naging komplikado ang mukha ni Celestine, hindi alam kung paano sisimulan ang kwento.Dahil ayaw namang manghimasok ni Franco sa private life ng kaniyang boss, nanahimik na lang ito sa tabi.Pagkabagsak ng isang napakabigat na tao sa kama, pareho silang nakahinga nang maluwag."Sige, ikaw na ang bahala rito. Masyado nang gabi, hindi ka na namin abala pa." Tinapik ni Adrian ang kaniyang mga kamay, na parang natapos na ang napakalaking misyon.Medyo alanganin naman si Franco. "Miss Celestine... okay lang po ba kayo rito na mag-isa?"T
Read more