Kumuha ng abogado si Ruby kaugnay sa ginawang post ni Amanda para siraan siya. Ipinagdiinan niya na kapapasok niya lang sa kumpanya kaya napaka-imposible na magawa niya ang bagay na iyon. Idagdag pa na ang bawat inilalabas nilang bagong pabango ay palaging may pirma si Amanda kaya napaka imposible na wala itong kaalam-alam, unless ay hindi talaga ito aware sa epekto ng mga inilalagay nito sa pabangong inilalabas nito. Bukod pa doon ay mariing itinatanggi ni Amanda ang paratang na ang lahat ng pabango na inilabas niya ay sariling gawa niya talaga at maging ang eskandalo tungkol kay Mr. Lozano ay lumabas din at sinisiraan si Ruby, sinasabi na may relasyon sila ng lalaki na hindi naman totoo.Samantala, sa kabilang banda ay tuwang-tuwa naman si WEndy nang makita niya ang kalat na post tungkol kay Ruby. dahil sa alegasyon ni Amanda ay tila ba ito nagtaksil kay Ethan ng wala sa oras. Higit pa roon ay napakaraming negatibong komento tungkol ay Ruby na ikinatuwa niya naman. Hindi siya nag
続きを読む