Dahan dahang namang kumurba ang isang ngiti sa mga labi ni Ruby. “pero Tito, nagsasabi lang ako ng totoo.” sabi niya at bago pa man ito magalit sa kaniya ay muli na siyang nagtanong. “Siya nga pala, bakit kayo nagpunta dito ngayon?” hindi niya napigilang itanong. Alam niya na hindi nito sasayangin ang oras para pumunta sa ganung klase ng lugar, tiyak na may dahilan ang pagpunta nito doon.Iginalaw nito ang pulso kung saan ay nakasuot ang kulay itim na bracelet na gawa sa beads. Mukha na ring luma ang mga iyon kung titingnan at sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay suot-suot nito iyon. Hindi niya tuloy maiwasang hindi isipin kung sino kaya ang nagbigay nito iyon. Mukha kasing napakahalaga ng bagay na iyon dito.Nanatiling malamig ang ekspresyon nito. “Hindi mo na kailangan pang malaman.” walang kagatol-gatol na sagot nito sa kaniya.Ang totoo, nagpunta siya doon dahil minsan na siyang nakahingi ng pabor sa pamilyang iyon kaya naroon siya para ipakita ang suporta niya sa mga ito. Napa
続きを読む