Nitong mga nakaraang taon ay hindi naman ganun kataas ang sales ng kumpanya at ng mga oras nga na iyon ay napag desisyunan ni Ruby na halungkatin at tingnan ang lahat ng sales ng kumpanya nitong mga nakaraang taon. Sa totoo lang ay plano niyang palaguin ang kumpanya lalo na ngayon at medyo nasa mataas na posisyon na siya.Doon niya nalaman na kaya naman pala walang gaanong sales ang kanilang pabango ay dahil hindi na sila nakakapag palabas pa ng bagong amoy, puro na luma ang kanilang ibinebenta sa merkado. Nakapag desisyon siya na magpatawag ng isang meeting. Pagdating niya sa meeting room ay kaagad na napakunot ang noo niya nang makitang iilan lang ang mga taong naroon. “Nasan ang iba? Kayo lang ba?” kunot pa rin ang noo niyang tanong sa mga ito. Sa pagkakaalam niya, ang marketing department ay mayroong mahigit bente katao pero ng mga oras na iyon ay wala pang silang sampong nasa meeting room. Nakatayo sa isang tabi ang dating assistant ni Amanda na si Zia, ngayon pa lang ang unang
Read more